Nang nagmaganda si Tasya

Nang nagmaganda si Tasya

Sa panaginip ni Tasya, isa siya sa pinakamagandang dilag sa buong kalawakan. Isa lamang itong panaginip subalit buo ang kanyang pag-asa  na ito ay magiging makatotohanan. 

Tapos na ang pinakahihintay-hintay na paligsahan ng mga pinakamagagandang dilag sa buong kalawakan. Marami ang nag-abang sa muling pagsikat ng Pilipinas sa Ms. Universe Beauty Pageant.

Sa simula pa ay may pumupulso na sa magiging kapalaran ng kandidata ng Pilipinas. Noong una ay pinuna ang tila kakulangan niya sa paggamit ng wikang Ingles sa pakikipagtalastasan. Sabi nila, ito ay kahinaan niya kaya’t dapat siyang magbigay ng kanyang kasagutan sa tanong sa kanya sa wikang Pilipino. Halos isang buwan ang ginugol ng mass at social media sa bagay na ito. Sa bandang huli, siya pa rin ang nasunod kung papano sasagutin ang katanungan.

Siyempre, hindi inaasahan kung sino ang nanalo.

ms-france

Courtesy of https://www.missuniverse.com/

Miss Universe is…Ms. France! Irish Mittenaere!

“23 year old Iris Mittenaere was born North of France in a town called Lille. Mittenaere has kept herself busy the last 5 years by pursuing her degree in Dental Surgery. Besides dental school, Mittenaere has always been fond of extreme sports, travelling the world and cooking new French dishes. Fresh, funny and caring is how she would best describe herself. She enjoys making others happy, especially when volunteering at Bienvenue-Tongasoa and Les Bonnes Fées. Mittenaere is honored to be representing France in the upcoming Miss Universe competition. If she takes home the crown, she hopes to advocate for dental and oral hygiene.” (kopya mula sa  https://www.missuniverse.com/titleholder)

Pantasya! Sa dinadami ng kandidata sa paligsahan, isang dentista ang nagwagi. Dentista, isang propesyunal na naghahangad na isulong ang kalinisan at kalusugan ng bibig at ngipin! (ugh, mukhang hindi maganda ang translation, my apologies Ms. Universe).

Lahat yata ng tao nais makadaupang palad ang isang Ms. Universe. Sa lahat yata ng lugar, may mga tao na naghihintay ng pantasya na masilayan ang pinakamagandang dilag sa buong kalawakan.

Talagang pantasya!

Pero, ano ba talaga ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang paligsahan ng kagandahan at katalinuhan?

Image result for miss universe planting trees

Courtesy of http://www.gettyimages.com

Sinasabi na ang pagtatanghal ng paligsahan ay pagpupunyagi ng sangkababaihan. Ito’y simbolo ng kagalagakan at mataas na pagkilala sa katangian ng mga kababaihan sa buong mundo.

Image result for miss universe planting trees

Courtesy of http://www.gettyimages.com

Ang  Ms. Universe ay inaasahan maghahatid ng saya, pagkakaisa, at kapayapaan sa buong mundo. Bukod dito, sinasagisag niya ang maraming mithiin: kapaligiran, katarungan, paggalang, pagkakapantay-pantay, at marami pang iba. Ito ang dahilan kung kaya bago maganap ang paligsahan makikita ang mga kandidata na nagtatanim ng mga puno, nakikisalamuha sa mga dukha, nagbibigay ng pagkain sa mga tao, at marami pang gawain na ipinakikita sa medya.

 

Gayunman, mahirap iugnay ang paligsahan at ang mga kandidata dito sa tunay na pag-inog ng lipunan at ng mga taong dito ay nabibilang. Kailan ba naging mahalaga ang papel ng isang Ms. Universe sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap at sa pag-aangat ng mga nasa laylayan ng lipunan? Tunay bang naaantig ang mga tao at nagkakaroon sila ng inspirasyon para pangalagaan ang kalikasan at iligtas ang mga batas sa peligro?

Pantasya! Ang mahumaling sa Ms. Universe ay isang pantasya para sa ating lahat. Ang maniwala na lahat ng babae ay maaaring maging prinsesa ay pabulang isinilid sa ating isipan ng mga kwentong isinalin sa pamamagitan ng mga pahina at mga kwentong bayan.

Sa mundong punung-puno ng kaguluhan, kasalatan, at polusyon, ang tunay na pagandahan ay sumasalamin sa pagkakaisang nagtataguyod ng kapayapaan, kasaganaan, at kalinisan ng kapaligiran.

At kung si Tasya at iba pang babae ay magmamaganda, marapat na magmaganda rin ang mundo nilang ginagalawan. Tanging sa ganito lamang tunay na magiging maganda ang isang dilag na kagaya niya. 

Advertisements