Nang nagmaganda si Tasya

Nang nagmaganda si Tasya

Sa panaginip ni Tasya, isa siya sa pinakamagandang dilag sa buong kalawakan. Isa lamang itong panaginip subalit buo ang kanyang pag-asa  na ito ay magiging makatotohanan. 

Tapos na ang pinakahihintay-hintay na paligsahan ng mga pinakamagagandang dilag sa buong kalawakan. Marami ang nag-abang sa muling pagsikat ng Pilipinas sa Ms. Universe Beauty Pageant.

Sa simula pa ay may pumupulso na sa magiging kapalaran ng kandidata ng Pilipinas. Noong una ay pinuna ang tila kakulangan niya sa paggamit ng wikang Ingles sa pakikipagtalastasan. Sabi nila, ito ay kahinaan niya kaya’t dapat siyang magbigay ng kanyang kasagutan sa tanong sa kanya sa wikang Pilipino. Halos isang buwan ang ginugol ng mass at social media sa bagay na ito. Sa bandang huli, siya pa rin ang nasunod kung papano sasagutin ang katanungan.

Siyempre, hindi inaasahan kung sino ang nanalo.

ms-france

Courtesy of https://www.missuniverse.com/

Miss Universe is…Ms. France! Irish Mittenaere!

“23 year old Iris Mittenaere was born North of France in a town called Lille. Mittenaere has kept herself busy the last 5 years by pursuing her degree in Dental Surgery. Besides dental school, Mittenaere has always been fond of extreme sports, travelling the world and cooking new French dishes. Fresh, funny and caring is how she would best describe herself. She enjoys making others happy, especially when volunteering at Bienvenue-Tongasoa and Les Bonnes Fées. Mittenaere is honored to be representing France in the upcoming Miss Universe competition. If she takes home the crown, she hopes to advocate for dental and oral hygiene.” (kopya mula sa  https://www.missuniverse.com/titleholder)

Pantasya! Sa dinadami ng kandidata sa paligsahan, isang dentista ang nagwagi. Dentista, isang propesyunal na naghahangad na isulong ang kalinisan at kalusugan ng bibig at ngipin! (ugh, mukhang hindi maganda ang translation, my apologies Ms. Universe).

Lahat yata ng tao nais makadaupang palad ang isang Ms. Universe. Sa lahat yata ng lugar, may mga tao na naghihintay ng pantasya na masilayan ang pinakamagandang dilag sa buong kalawakan.

Talagang pantasya!

Pero, ano ba talaga ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang paligsahan ng kagandahan at katalinuhan?

Image result for miss universe planting trees

Courtesy of http://www.gettyimages.com

Sinasabi na ang pagtatanghal ng paligsahan ay pagpupunyagi ng sangkababaihan. Ito’y simbolo ng kagalagakan at mataas na pagkilala sa katangian ng mga kababaihan sa buong mundo.

Image result for miss universe planting trees

Courtesy of http://www.gettyimages.com

Ang  Ms. Universe ay inaasahan maghahatid ng saya, pagkakaisa, at kapayapaan sa buong mundo. Bukod dito, sinasagisag niya ang maraming mithiin: kapaligiran, katarungan, paggalang, pagkakapantay-pantay, at marami pang iba. Ito ang dahilan kung kaya bago maganap ang paligsahan makikita ang mga kandidata na nagtatanim ng mga puno, nakikisalamuha sa mga dukha, nagbibigay ng pagkain sa mga tao, at marami pang gawain na ipinakikita sa medya.

 

Gayunman, mahirap iugnay ang paligsahan at ang mga kandidata dito sa tunay na pag-inog ng lipunan at ng mga taong dito ay nabibilang. Kailan ba naging mahalaga ang papel ng isang Ms. Universe sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap at sa pag-aangat ng mga nasa laylayan ng lipunan? Tunay bang naaantig ang mga tao at nagkakaroon sila ng inspirasyon para pangalagaan ang kalikasan at iligtas ang mga batas sa peligro?

Pantasya! Ang mahumaling sa Ms. Universe ay isang pantasya para sa ating lahat. Ang maniwala na lahat ng babae ay maaaring maging prinsesa ay pabulang isinilid sa ating isipan ng mga kwentong isinalin sa pamamagitan ng mga pahina at mga kwentong bayan.

Sa mundong punung-puno ng kaguluhan, kasalatan, at polusyon, ang tunay na pagandahan ay sumasalamin sa pagkakaisang nagtataguyod ng kapayapaan, kasaganaan, at kalinisan ng kapaligiran.

At kung si Tasya at iba pang babae ay magmamaganda, marapat na magmaganda rin ang mundo nilang ginagalawan. Tanging sa ganito lamang tunay na magiging maganda ang isang dilag na kagaya niya. 

Advertisements

4 Comments

  1. Para sa aking pananaw, kahanga hanga ang mga nagiging kalahok sa paligsahang ito. Ito ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na gayahin ang mga kababaihang napapanoos nila sa medya pero dapat ding isulong ng organisasyong ito ang mga platapormang tumulong sa mahihirap hindi lamang sa pag-iingat ng kalikasan, pagtatanim ng mga puno at pakikisalamuha sa ibang tao. Bawat kandidata ay may kanyang sinusulong, iba ibang lahi, iba ibang gusto. Dapat bawasan ang pagkikritiko ng mga tao sa kahinaan ng isang tao dahil doon nagmumula ang kanyang pagnanais na itaguyod ang kanyang gusto. Hindi porke may karapatan tayo sa freedom of expression o speech ay gagamitin na natin ito para makasakit ng damdamin ng kapwa nating Pilipino o tao.

    Liked by 1 person

  2. Ang pagiging maganda ay isang kahanga-hanga naman talaga, lalo na sa panahon ngayon. Maraming tao ang gumagasta para lang masabing maganda kahit napakaraming bagay o tao na ang naaapektuhan. Ako mismo sa akin sarili ay hindi ko maikakaila na bumibili ako ng iba’t ibang klaseng produktong pampaganda. Pero minsan sumagi na rin sa isip ko na kung para saan ba ang ginagawa kong ito kung balang araw mababaliwala ang lahat dahil sa kapabayaan na ginagawa ko at ng kapwa tao ko sa mundong ginagalawan ko. Hindi masamang magpaganda pero sa henerasyon ngayon nararapat lang na isabay sa pag- aalaga ng kagandahan ng sarili ang pag-aalaga ng likas na yaman, sapagkat kung hindi, maaaring isang araw mapanatili nga nating maganda ang ating mga sarili ngunit ang ating mundo ay unti-unti ng susuko dahil sa kalupitan o sa kapabayaan na ating ginagawa.

    Maganda ang nais iparating ng programa na miss universe pero nais ko lang sabihin na sana dumating ang araw na hindi lang dahil may programa kaya ipapakita ang kagandahang loob kundi dapat ay sa araw-araw na ginawa ng Panginoon.

    Liked by 1 person

  3. Magbibigay ako ng munting payo kay Tasya, huwag mong biguin ang sarili mo at ipagpatuloy mo ang pag-asang maging pinaka-magandang babae sa mundo. Subalit, ang pagiging magandang babae ay hindi lamang nasusukat sa pisikal na anyo, pati na rin ito sa kalooban at pakikisama sa ibang tao. Ang pagiging maganda ay nasusukat rin sa kung anong naiibigay mo sa lipunan. Tanungin mo muna ang iyong sarili. “Isa ba akong mabuting mamamayan ng aking bansa? Tumutulong ba ako sa mga nangangailangan at mapagpakumbaba sa bawat hakbang na tatahakin?” O pwede rin namang “Isa ba akong mabuting anak? Isa ba aong responsableng tao?”. Kung oo ang sagot mo, tiyak na isa ka sa mga magaganda at mabubuting babae ng lipunan at kung hindi naman ang iyong kasagutan o ilan man sa mga katanungan, tulungan mo ang sarili mo para hiranging maganda at mabuting babae. Tandaan na ang pinakamahalagang kagandahan ay nakikita lamang sa panloob na anyo. Go Tasya! 🙂

    Like

  4. Ang pagiging maganda ay hindi lng sa panlabas na anyo ngunit nakikita din ito sa panloob. Kahanga kanga ang mga kalahok sapagkat magagagnda, matatalino at nakakaya nilang ppagsabay sabayin ang oras nila. Nagiging inspirasyon sila sa mga mas nakakabatang henerasyon sapagkat hindi lang sila magagagnda at matatatlino pero may puso din sila na pangalagaan ang mga likas na yaman. Nakkakatuwang isipin na malaki ang naitutulong ng mga kandidatang ito sa pag pagising ng kamalayan ng mga taong nanonood sa mga nangyayayri sa mundo lalalonglalo pagdating sa pangagaglaga ng kalikasan

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s